20 bahay, nawasak ng buhawi sa Negros Occidental

104

Negros Occidental – Sinira ng buhawi ang 20 kabahayan sa bayan ng San Enrique, Negros Occidental.

Ayon kay Mayor Jilson Tubillara, 13 bahay ang partially damaged habang tatlo naman ang totally damaged sa Barangay Batwan.


Sa Barangay Tabao Rizal naman may isang bahay na totally damaged habang may tatlong bahay na partially damaged.

Sabi ng hepe ng Provincial Disaster Management Program Division na si Zeaphard Caelian, resulta ng isolated thunderstorms at paghalo ng malamig at mainit na hangin ang sanhi ng nasabing buhawi.

Aniya, nagbigay na ng paunang tulong ang lokal na pamahalaan habang inaalam pa ang mga kakailanganing construction materials ng mga nasiraan ng bahay para maibigay ito sa kanila.

Facebook Comments