Umabot sa humigit kumulang na isang daang indibidwal o dalawampung mga pamilya ang apektado ng idemolish ang kanilang mga tahanan sa Brgy. Polo, San Carlos City.
Binarikadahan ng mga residente ang daan patungo sa kanilang mga tahanan upang hindi matuloy ang demolisyon.
Umantabay din sa naturang demolisyon ang BF, maging ng mga pulisya at ng medical team upang mapanatiling mapayapa ang demolisyon.
Nagmatigas ang mga may ari ng naturang bahay ngunit sa huli ay napasok ito ng mga demolisyon team.
Ayon kay Erlinda Arenas, isa sa mga apektado ng demolisyon na hindi umano sila binigyan ng lupa na pwede nilang lipatan ng taong nang aangkin sa kanila umanong lupa. Inalok daw umano ang mga ito ng bayad ngunit tinanggihan nila ito.
Matatandaan na lumabas ang demolition order taong 2017 pa.
Nauna dito ay unang balak magdemolish ang otoridad noong December 17, 2019 pa ngunit naudlot ito.
20 bahay sa Pangasinan dinimolish, tensyon sumiklab
Facebook Comments