20 barangay sa Butuan, isinailalim sa dengue hotspots

Butuan City – Umabot sa dalawampung barangay sa Butuan City ang nagdeklara ng dengue hotspots, base sa isinagawang surveillance at inspeksyon ng Department of Health-Caraga.
20 barangay sa Butuan City, isinailalim sa dengue hotspots
Ayon kay Butuan City Councilor Cherry Mae Busa, chairman ng Committee on Health ng sangguniang panlungsod, ang deklarasyon ay kasunod ng patuloy na pagdami ng mga kaso ng dengue sa kanilang lugar.

Napag-alamang hanggang ngayon ay puno pa rin ang mga ospital sa lungsod dahil sa dami ng mga na-admit dahil sa naturang sakit.

Facebook Comments