20 barangays sa Pasay City, na-lift na ang localized lockdown

Kinumpirma ng Pasay City Public Information Office (Pasay-PIO) na 20 barangay na sa lungsod ang naalis sa ilalim ng localized lockdown.

Ito ay matapos na makapagtala ng mataas na bilang ng recoveries.

7,725 o 91.64% na mga residente ng Pasay ang gumaling sa COVID-19 kung saan 149 dito ay new recoveries.


Kabilang sa 20 barangay na na-lift ang lockdown ang Barangay 118, 28, 32, 40, 57, 58, 81, 95, 98, 100, 107, 122, 132, 143, 155, 156, 175, 178, 190, at 192.

Tiniyak naman ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na patuloy ang kanilang pagpapaigting sa contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR), testing, isolation and treatment at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Muli ring humingi ng kooperasyon at pakikiisa si Rubiano sa mga residente ng Pasay upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng sakit sa lungsod.

Facebook Comments