20 barko ng China, nananatili sa Ayungin Shoal

Na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “steady presence” ng mga barko ng China sa bisinidad ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, aabot sa 20 mga barko ng China ang nasa palibot ng BRP Sierra Madre.

Na-monitor aniya ito simula nitong ikatlong linggo ng Agosto.

Sa kabila ng mga presensya ng barko ng China, sinabi ni Trinidad na wala pang adjustment na ipatutupad ang Sandatahang Lakas.

Samantala, Hulyo pa ang naging huling regular rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Nakikipag-ugnayan pa ang Phil. Navy sa Western Command sa kung kailan ang susunod na Rotation and Reprovisioning (RORE) mission.

Facebook Comments