20 Bayan sa Cagayan Valley, ASF-Free pa rin

16

Cauayan City, Isabela- Nasa 20 bayan sa buong Cagayan Valley ang nananatiling African Swine Fever (ASF) Free batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA) region 2.

Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Sta. Praxedes, Claveria, Sanchez Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Camalaniugan, Sta. Teresita, Lasam, Rizal, Gattaran, Peñablanca at Calayan sa Cagayan.


Sa Probinsya ng Isabela, kinabibilangan naman ito ng bayan ng Divilacan, Maconacon, Dinapigue at Palanan habang sa Nueva Vizcaya naman ay ang mga bayan ng Bambang, Dupax del Sur at Alfonso Castañeda.

Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa ASF-Free ang lalawigan ng Batanes.

Facebook Comments