20 biktima ng landslide sa Talisay, Batangas, nailibing na

Nailibing na ang mga labi ng mga biktima ng pagguho ng lupa sa Talisay, Batangas noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.

Kahapon nang ihatid sa huling hantungan ang 20 biktima ng landslide sa Barangay Sampaloc.

Bago ang libing, ilang opisyal ng pamahalaan ang bumisita sa burol at nagpaabot ng pakikiramay sa mga naulilang pamilya.


Dumating din si dating Pangulong Rodrigo Duterte bitbit ang tulong mula sa opisina ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte.

Bawat pamilya ay nakatanggap din ng tulong mula sa lokal na pamahalaang bayan ng Talisay.

Samantala, nagpapatuloy ang clearing operations sa ilang bayan sa Batangas na problema pa rin ang sangkaterbang putik sa mga kalsadang binaha dahil sa Bagyong Kristine.

Facebook Comments