20-billion parked fund na nakapaloob sa 2020 budget, ipatatanggal ng isang Senador

Kung hindi mai-paliliwanag ng Malakanyang ay igigiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na alisin ang natuklasan niyang 20-billion pesos na “parked funds “o Lump Sum funds na ipinarada sa ilang ahensya pero walang detalye kung saan at kung paano gagamitin.

Diin ni Lacson, kasabay ng Pork Barrel Funds, ay i-pinagbawal din ng korte suprema ang ganitong mga Lump Sum sa budget.

Ayon kay Lacson, ang nasa 14 billion pesos ay nakaparada sa Department of Public Works and Highways.


Sabi ni Lacson, mayroon ding 4-billion pesos sa Department of Interior and Local Government na para umano sa assistance sa local government units na bukod pa sa 2.5-billion pesos para din sa assistance to cities.

Nadiskubre din ni Lacson na may dobleng alokasyon para sa kennon road. Ang isa ay 507-million pesos at ang isa ay 70-million pesos.

Facebook Comments