20 CCTV CAMERAS, IKAKABIT SA BRGY. TURAYONG

CAUAYAN CITY- Isasakatuparan na ang proyektong karagdagang CCTV cameras tungo sa mas ligtas at maayos na Brgy. Turayong sa Lungsod ng Cauayan

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Punong Barangay John Reyes, dalawampung piraso ng CCTV camers ang ikakabit sa kanilang barangay kung saan anim rito ay 360 optic fiber

Aniya, nasa tatlong daan at animnapung libong piso ang inilaang budget para sa proyektong ito.


Watch more balita here: COMMUNAL GARDEN SA BRGY. CULALABAT, SASAILALIM SA EVALUATION

Layunin ng proyekto na mabigyan ng seguridad ang mga residente laban sa nakawan, mahuli ang mga hindi maayos na nagtatapon ng basura sa kanilang lugar, at makuha ang mga insidente ng disgrasya sa lansangan.

Kaugnay nito, ang sampung CCTV cameras ay kapalit ng mga nasirang CCTV cameras dahil sa mga naranasang bagyo o pag-ulan.

Samantala, nakatakda nang simulan ang pagkakabit ng CCTV sa susunod na linggo.

Facebook Comments