20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon para sa mga estudyante, pasado na sa ika-2 pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na layong bigyan ang mga estudyante ng 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon.

Sa kasalukuyang batas ay limitado lamang sa Land Transportation ang pagbibigay ng diskwento sa pamasahe sa mga estudyante.

Sa ilalim ng House Bill 8885 o Student Fare Discount Act, mabibigyan ng 20% student fare discount ang mga mag-aaral sa land, water, at air transport systems.


Ibig sabihin, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepneys, taxis, tricycle, Transport Network Vehicle Services (TNVS), MRT, LRT gayundin ang mga airlines at barko.

Kasama din ang mga araw ng Sabado at Linggo gayundin ang mga holidays na maaaring makapag-avail ng student discount.

Para makapag-avail ng 20% student fare discount sa lahat ng uri ng transportasyon, kailangan lamang magpakita ng valid school ID o enrollment form ang mag-aaral.

Facebook Comments