Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng Public Utility Vehicles (PUV) na magbigay ng 20 percent discount sa mga estudyante.
Ayon sa LTFRB, basta mayroong student ID ay dapat bigyan ng discount sa ang mga estudyante sa tuwing sasakyan ng PUV.
Dapat anilang ibigay ang diskwentro kahit na weekend, holiday at semestral break.
Gayunman, hindi naman sakop ng diskwentro ang mga estudyante ng medisina, abugasya at graduate studies.
Ang sinumang hindi magbibigay ng discount ay pagmumultahin ng P5,000 para sa operator at isang libong piso sa driver para sa unang paglabag.
P11,000 multa naman at isang buwan pag-impound sa sasakyan ang ipapataw sa ikalawang paglabag.
Habang sa ikatlong paglabag ay pagmumultahin ang operator ng P16,000 at pagkansela ng prangkisa ng sasakyan.
Kasabay nito, hinimok ng LTFRB ang mga estudyante na isumbong sa kanilang hotline number 1342 ang mga pasaway na driver.