20% discount sa multa ng senior citizens sa traffic violations, isinulong sa Kamara

Pinabibigyan ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ng 20 % na diskuwento sa multa ang mga nagmamanehong senior citizens na lalabag sa batas-trapiko lalo na sa Metro Manila.

Nakapaloob ito sa House Bill 5402 na inihain ni Fernandez na layuning amiyendahan ang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act.

Ang hakbang ni Fernandez ay kasabay sa pagdiriwang sa bansa ng Elderly Filipino Week mula Oktubre 1 hanggang ngayong araw.


Binanggit ni Fernandez na marami pa ring matatanda sa bansa ang nagmamaneho kahit mahina na ang driving reflexes, kakayahan at pakiramdam.

Sakaling maisabatas ang panukala ni Fernandez ay aatasan nito ang chief ng Land Transportation Office at chairman ng Metro Manila Development Authority na lumikha ng implementing rules and regulations.

Facebook Comments