Mula sa deadline na December 31, 2020 ay pinalawig ng Marikina City government hanggang hanggang Marso 31, 2021 ang 20% discount sa Real Property Tax.
Alinsunod ito sa direktiba ni Mayor Marcy Teodoro sa Marikina City Treasurer’s Office sa sa bisa ng panibagong Ordinance number 183, Series of 2020.
Samakatuwid, 20 porsiyentong diskwento ang parehong pinagkakaloob sa mga nagbayad ng nakaraang taon at magbabayad ng buo o hulugan hanggang Marso 31 para sa Real Property Tax sa kasalukuyang taon.
Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang iba pang hindi pa nakakapagbayad ng buwis na makakuha ng malaking diskwento.
Facebook Comments