Target ng pamahalaan na mabakunahan ang aabot sa 20 hanggang 30 milyong Pilipino kada taon sa loob ng limang taon.
Ayon kay Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, gagawin ito para maabot ang target na pagbabakuna sa 60 hanggang 70 milyong Pilipino sa Pilipinas.
Inaasahan namang masisimulan na ang mass vaccination sa ikalawang bahagi ng 2021, dahil hihintayin pa ang resulta ng gagawing clinical trial sa Disyembre mula sa regulatory board ng Food and Drug Administration (FDA) na posibleng matapos sa unang quarter ng nasabing taon.
Kasabay nito, sinabi rin ni Galvez na kabilang sa target na mabakunahan ay ang 35 milyong Pilipino na kasama sa priority list ng pamahalaan.
Ito ay ang mga mahihirap, vulnerable sectors, health workers, sundalo, police officers at iba pang frontliners na nagmula sa Metro Manila, Davao City at Bacolod City na itinuturing na COVID-19 hotspots sa bansa