20 home antigen test kits para sa COVID-19, inaprubahan na ng FDA

38

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang tinatayang nasa 20 na home antigen test kits para sa COVID-19.

Ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez, marami pa silang hinihintay sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Sa datos ng regulatory body, ang self-administered test kits ay mayroong 83% hanggang 97.5% na sensitivity at 99.5% hanggang 100% na specificity.


Samantala, wala namang nag-apply na COVID-19 vaccine manufacturer para sa booster shots ng mga bata.

Facebook Comments