20 INDIBIDWAL, NAARESTO SA ISANG LINGGONG OPERASYON NG PRO1 KONTRA ILIGAL NA DROGA AT ARMAS

Dalawampung indibidwal ang naaresto sa serye ng operasyong isinagawa ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) mula January 30 hanggang February 5, 2026.

Ipinakita sa pinakahuling datos ang resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Pangasinan PNP, partikular sa kampanya kontra ilegal na droga, kung saan 21 operasyon ang naisagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing mga indibidwal.

Nasamsam ang malaking halaga ng ipinagbabawal na gamot, kabilang ang shabu at marijuana, na itinuturing na banta sa kaligtasan ng mga kabataan at komunidad.

Bukod dito, naging matagumpay rin ang mga hakbang laban sa loose firearms o iligal na armas sa ilalim ng Republic Act 10591.

Sa pamamagitan ng mga operasyong ito, nabawasan ang bilang ng mga baril na maaaring magamit sa krimen, bagay na ayon sa kapulisan ay malaking tulong sa pagpigil sa karahasan at pagpapanatili ng katahimikan sa mga pamayanan.

Facebook Comments