20 indibidwal, nakaranas ng adverse event sa bakuna, ayon sa DOH

Nakapagtala ang National Adverse Event Following Immunization Committee ng dalawampung indibidwal kahapon na nagkaroon ng mild side effects matapos maturukan ng Sinovac.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang mga naramdaman ng mga ito ay normal lamang na epekto kapag nabakunahan na nangangahulugang nag-re-react ang katawan mula sa bakuna.

Paglilinaw pa ni Vergeire, matapos obserbahan ng ilang minuto ay pinauwi rin ang mga ito at wala ni isa ang na-admit sa ospital.


Kahapon, nasa 750 na medical health workers at uniformed personnel ang nabakunahan ng Sinovac kasabay nang pagsisimula ng vaccination program ng pamahalaan.

Ani Vergeire, inaasahang mas tataas pa ang bilang nito sa mga susunod na araw dahil nakita mismo ng mga medical health workers na nagpaturok na ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at mga doktor na makatutulong sa pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna.

Facebook Comments