20 KALABAW, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA NG APAYAO

CAUAYAN CITY- Ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao ang labindalawang kalabaw sa labindalawang magsasaka sa bayan ng Pudtol, Apayao.

 

Ang mga benepisyaryo sa nasabing programa ay ang mga magsasakang sumasailalim ng pagsasanay sa Pudtol Livestock School kung saan itinuturo sa mga ito ang tamang paraan ng pag-aalaga ng kalabaw upang mapataas ang livestock production.

 

Bago ipinamahagi ang mga kalabaw ay lumagda sa memorandum of agreement ang mga benepisyaryo na naglalaman ng mga patakaran at palatuntunan na dapat nilang sundin.


Samantala, ipapamahagi naman sa mga susunod na araw ang natitirang walong kalabaw sa walong magsasaka sa nasabing bayan.

Facebook Comments