20 Katao, Huli sa Magkakahiwalay na Operasyon ng Pulisya sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 20 katao sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Probinsya ng Isabela matapos masangkot sa iba’t ibang kaso na kinaharap ng mga ito.

Kinilala ang mga akusado na si Rosario Ortiz, 42-anyos, residente ng Brgy. Cabugao, Echague at nahaharap sa kasong RIR in Serious Physical Injury and Damage to Property ay may kaukulang piyansa na P30,000; Jovanie Riambon, 30-anyos, isang magsasaka, residente ng Brgy. Paddad at nadakip sa kasong Murder; Reynaldo Radam, 47-anyos, karpintero at residente ng Brgy. Libertad, Echague na nahaharap naman sa kasong PD 705.

Habang inaresto din ang iba pa na kinilalang sina Eustaquio Tabladillo, 46-anyos, isang magsasaka at residente ng Brgy. Pinoma, Cauayan City at nahaharap sa kasong RIR in Serious Physical Injuries and Damage to Property; Myrna Maramag, 45-anyos, residente ng Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela na nahaharap sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention; Virgilio, 56-anyos, at residente ng Brgy Dibuluan,San Mariano Isabela na nahaharap sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention.


Samantala, inaresto din Francisco Capalungan, 38-anyos, residente ng Brgy. Santor, Reina Mercedes, Isabela at nahaharap sa kasong Rape; Marvin Palermo, 24-anyos, at residente ng Brgy. Paliueg, City of Ilagan, Isabela na nahaharap Rape; Jessa Mie Yarcia, 26-anyos, rice mill secretary, residente ng Brgy Namnama, Cabatuan, Isabela at nahaharap sa kasong Qualified theft;Pablito Valdez, 35-anyos at residente ng Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela at nahaharap sa kasong Estafa; Hernando De Guzman, 51-anyos, isang baker at residente ng Brgy. Quiling, Roxas, Isabela at may kasong Child Abuse at may kaukulang piyansa na P80,000; Marlon Cabalonga, 37-anyos, lineman, residente ng Brgy Arellano, Quezon, Isabela at may kasong Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents of Such Person; Jay-Ar Soriano, 28-anyps at residente ng Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela at nahaharap sa kasong RA 7610 in relation to RA 8369 (Family Court) at may piyansang P200,000; Romel Orzame, 33-anyos merchandizer at residente ng Brgy. San Jose Sur, Mallig, Isabela at may kasong RA 9262; Romnick Beltran, 24-anyos, residente ng Brgy. Dibuluan, San Mariano, Isabela at may kasong Direct Assault ay may piyansang P12,000; Alejandrea Visaya, 83, residente ng Brgy. Nueva Era, Cabatuan, Isabela at may kasong PD 705; Felix Bernal, 39-anyos, tricycle driver, residente ng Sampaloc, Cabatuan, Isabela at may kasong RA 9262; Lito Bullungan, 56-anyos, residente ng Brgy. Sto. Niño, Angadanan, Isabela at may kasong Statutory Rape (2 Counts); Marvin Mangoba, 33-anyos, residente ng Brgy. Salinungan East, San Mateo, Isabela at may kasong Swindling at Raymart Nicolas, 23-anyos, residente ng Brgy. Baculod, City of Ilagan, Isabela at nahaharap sa kasong Murder.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments