Cauayan City, Isabela- Dinampot ng mga otoridad ang 20 katao dahil sa paglabag sa RA 11332 o “Law on Reporting of Communicable Disease” sa kabila ng mahigpit na papapatupad sa Enhanced Community Quarantine dahil sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Sa patuloy na pagbabantay ng mga otoridad sa buong Lalawigan ng Cagayan, nahuli ang mga suspek na pagala-gala sa lansangan gamit ang kanilang mga motorsiklo na sina kinilalang sina Herman Taccad, 21 anyos, Mark Jhunel Bacud, 19 anyos, Jaypee Tuliao, 27 anyos, Jaylord Pagulayan, 20 anyos, Ariel Adduru, 24 anyos na pawang mga residente ng Tuguegarao City, Cagayan.
Hinuli rin ang isang Welder na lumabag sa Curfew Hour na si Arvin Patiga, 25 anyos, tubong Camarin Caloocan City na kasalukuyang naninirahan sa Legaspi Street, Centro 8, Tuguegarao City, Cagayan.
Dinakip rin ang 13 katao na lumabag rin sa parehong batas na pagala-gala rin sa Kalungsuran na sina Cesar Zingapan Jr, 25 anyos, Ralph Ryan Nanez Bonifacion, 23 anyos, Nicanor Villasay, 27 anyos, Ronaldo Valdez, 40 anyos, Dindo Flores, 35 anyos, Arvin Monter, 19 anyos, Jonalaine Martin, 19 anyos, Janverick Ranjo, 27 anyos, Renz Marion Mabborang, 28 anyos, Joey Andres, 44 anyos, Fernado Trillesy Bustamante, 55 anyos, at dalawang menor de edad na binatilyo.
Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga naaresto para sa dokumentasyon habang inihahanda ang kanilang kakaharaping kaso.