20 katao, patay habang 24 ang sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang pabrika ng damit sa Cairo, Egypt

Tinatayang nasa 20 katao ang nasawi at 24 ang sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang pabrika ng damit sa Cairo, Egypt.

Ayon sa otoridad, umabot hanggang sa ika-apat na palapag ang taas ng sunog at kalauna’y naapula rin nang dumating ang halos 15 sasakyan ng bumbero.

Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan at labi ng mga nasawi.


Nabatid na sunod-sunod na ang mga pabrikang nasusunog sa nasabing bansa dahil sa dikit-dikit na mga gusali.

Facebook Comments