20 katao, patay sa stampede sa isang simbahan sa Tanzania

DAR ES SALAAM, Tanzania – Hindi bababa sa 20 katao ang namatay habang 16 iba pa ang sugatan matapos magkaroon ng stampede sa isang church service nito lamang Sabado ng gabi.

Ayon sa gobyerno ng nothern Tanzania, daan-daang tao ang nagsama-sama sa Moshi town para sa pagdalo ng simba nang biglang mag-unahan ang mga ito sa pagpunta sa altar para umano sa ‘blessed oil’.

Sa kagustuhan daw na mapahiran ng naturang oil, nagtakbuhan ang mga dumalo dahilan para mangyari ang stampede.


Sabi ni Moshi district commissioner Kippi Warioba, “The stampede occurred when the worshippers were rushing to get anointed with blessed oil.”

Ito ay matapos din daw banggitin ni Pastor Boniface Mwamposa na ang itinuturing na blessed oil ay makakapagbigay daw ng kasaganaan at makakapagpagaling ng mga sakit.

Malaki naman ang posibilidad na tumaas ang bilang ng mga namatay dahil gabi nang mangyari ang insidente.

“The incident took place at night and there were many people, so there is a possibility that more casualties could emerge. We are still assessing the situation,” ani Warioba.

Facebook Comments