20 kilo ng hinihinalang cocaine, narekober sa Surigao del Sur

Surigao del Sur – Nakakita muli ng 20 kilo ng cocaine ang isang mangingisda sa Lingig, Surigao del Sur kagabi.

Sa ulat ng Police Office Region 13 alas 9:30 ng gabi kagabi nang makita ang 16 na bloke o 20 kilo ng hinihinilang cocaine sa tabing dagat o seashore ng Barangay Handamayan Lingig, Surigao nasa 20 kilometro ang layo mula sa Lingig Municipal Police Station.

Nakita ito ng mangingisdang si Jolan Pucot, 25-anyos residente ng Barangay Handamayan, Lingig, Surigao del Sur.


Nagpasama ang mangigngisda sa kanilang barangay chairman nang i-turn over ang nakitang cocaine sa Lingig Municipal Police Station.

Nakatakdang isailalim sa examination ang narekober ng cocaine para makumpirmang totoong cocaine ito.

Facebook Comments