20 local executives, posibleng mapasama sa narco list

Isiniwalat ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nasa 20 local executives ang posibleng mapasama sa narco list.

Nabatid na inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng 46 na narco politicians na kinabibilangan ng 43 local executives at tatlong kongresista.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – inisyal na listahan pa lamang ang naanunsyo ng Pangulo at sumasailalim pa sa validation ang iba pa.


Pero sinabi ng kalihim na posibleng maisapubliko ito pagkatapos ng midterm elections sa Mayo.

Ang validation ay tumatagal ng 14 na buwan.

Apat na ahensya ang nagsasagawa ng validation, ang PDEA, National Intelligence Coordinating Agency o NICA, intelligence service ng AFP at PNP.

Nagsampa na ang DILG ng graft at administrative charges sa mga ito sa Office of the Ombudsman.

Facebook Comments