20 lugar sa bansa, isinailalim sa MECQ; 30 sa GCQ para sa buwan ng Hulyo

Inanunsyo ng Malacañang ang pinal na community quarantine classifications para sa buwan ng Hulyo.

Nasa 20 lugar ang isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at 30 lugar naman sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng MECQ mula July 1 hanggang 15, 2021:


1. Cagayan
2. Bataan
3. Lucena City
4. Puerto Princesa
5. Naga City
6. Iloilo City
7. Iloilo Province
8. Negros Oriental
9. Zamboanga del Sur
10. Zamboanga del Norte
11. Cagayan de Oro City
12. Davao City
13. Davao Oriental
14. Davao Occidental
15. Davao de Oro
16. Davao del Sur
17. Davao del Norte
18. Butuan City
19. Dinagat Islands
20. Surigao del Sur

Ang Metro Manila, Bulacan, at Rizal ay nasa ilalim ng GCQ with some restrictions habang ang Cavite at Laguna ay nasa GCQ with heightened restrictions hanggang July 15.

Ang lalawigan naman ng Apayao sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay isasailalim sa GCQ mula July 1 hanggang 15, 2021, matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanilang apela.

Ang mga sumusunod na lugar naman ay isasailalim sa normal GCQ para sa buwan ng Hulyo.

1. Baguio City
2. City of Santiago, Isabela
3. Nueva Vizcaya
4. Quirino
5. Batangas
6. Quezon
7. Guimaras
8. Aklan
9. Bacolod City
10. Negros Occidental
11. Antique
12. Capiz
13. Zamboanga Sibugay
14. City of Zamboanga
15. Iligan City
16. General Santos City
17. Sultan Kudarat
18. Sarangani
19. Cotabato
20. South Cotabato
21. Agusan del Norte
22. Surigao del Norte
23. Agusan del Sur
24. Cotabato City

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng maluwag na modified GCQ hanggang katapusan ng Hulyo.

Facebook Comments