20-M mag-aaral, naka-enroll na para sa School Year 2021-2022

Mahigit 20 milyon na ang bilang ng mga estudyanteng nakapag-enroll para sa School Year 2021-2022.

Batay sa Department of Education (DepEd) hanggang nitong September 8, nasa 20,098,808 na ang nakapag-enroll sa Kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 4,557,327 ang naitala sa early registration hanggang noong June 2, 2021.


Nasa 14,477,678 naman ang enrollees sa pampublikong paaralan habang 1,041,447 sa pribadong paaralan at 22,356 sa State Universities and Colleges (SUCs) and Local Universities and Colleges (LUCs).

Pinakamarami pa ring naitalang enrollees sa Region 4-A na may 2,848,085, sumunod ang Region 3 na may 2,054,569 at National Capital Region (NCR) na may 1,945,826.

Nakatakda ang pagbubukas ng klase para sa S.Y. 2021-2022 sa September 13, 2021.

Facebook Comments