$20-M na investment, ibubuhos ng Australia sa Pilipinas

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nasa $20 million na investment ang ibubuhos ng Australia sa Pilipinas.

Layunin ng pamumuhunan na suportahan ang reporma ng Pilipinas sa justice system niyo

Sa press statement mula sa tanggapan ni Prime Minister Anthony Albanese, mas pinalakas pa ng ginawang state visit ng Pangulo, ang ugnayan ng Pilipinas at Australia.


Pinuri rin ni Albanese si Pangulong Marcos dahil sa produktibong diskusyon na nakasentro lang sa close collaboration bilang strategic partners, gayundin ang pagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.

Mahalaga aniya ang strategic partnership ng dalawang bansa para mas maging matatag pa ang ugnayan sa rehiyon.

Tiniyak naman ni Albanese na patuloy na makikipagtulungan ang Australia sa Pilipinas para sa isang mapayapa, ligtas at maunlad na Indo-Pacific na rehiyon.

Facebook Comments