Kasama ang mga ito mula sa tatlumpu’t tatlo (33) na kabuuang bilang ng mga ipinadalang magsasaka sa naturang bansa para magtrabaho.
Kinabibilangan ito ng labingtatlong (13) kababaihan at pitong (7) kalalakihan na inihatid na gamit ang shuttle bus ng Provincial Government ng Isabela patungo sa Clark International Airport nito lamang Miyerkules, Nobyembre 16, 2022.
Ang dalawampung magsasaka (20) ay inirekomenda ng mga may-ari ng farms kung saan sila muling magtatrabaho para maipamalas ang kasipagan at dedikasyon.
Labis naman ang tuwa ng mga magsasakang Isabeleño sa pagkakataong makabalik sa Korea at makapagtrabaho muli sa loob ng 5 buwan na tutulong sa kanila na mas matuto at kumita ng sabay.
Nagpasalamat rin ang mga ito sa Pamahalaang Panlalawigan lalo na kay Gobernador Rodito T. Albano III sa walang katapusang suporta at tulong sa pamamagitan ng Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program.