20 mga lugar nasa ilalim ng state of calamity

Aabot sa 20 mga syudad at munisipalidad sa Luzon ang isinailalim na sa state of calamity.

Ito’y dahil sa epekto ng magkakasunod na Bagyong Nika, Ofel, at Pepito.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakasaad na 11 lugar sa Cordillera Administrative Region ang nasa ilalim na ngayon ng state of calamity.


8 naman ang nasa state of calamity sa Cagayan Valley at 1 naman sa Central Luzon.

Dahil sa deklarasyon ng state of calamity, magagamit na ng mga lokal na pamahalaan na apektado ang kanilang calamity fund.

Samantala, nananatili naman sa 7 ang napaulat na nasawi dahil sa epekto ng magkakasunod na bagyo, 30 ang napaulat na nasaktan kung saan 23 dito ang validated at 2 naman ang napaulat na nawawala.

Facebook Comments