20-million na gastos sa pagkain para sa SONA, idinepensa ng Kamara

Tama lang at hindi kalabisan ang 20-million pesos na gagastusin ng House of Representatives sa pagkain para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa joint session ng dalawang kapulungan sa July 22.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, saklaw nito ang breakfast, lunch, dinner at merienda para sa lahat ng may partisipasyon sa SONA kasama rin ang mga police officers na magbabantay sa paligid ng Batasan Complex.

Paliwanag ni Velasco, daan-daan ang security personnel na magpapatupad ng seguridad para sa SONA habang nasa 2,000 hanggang 3,000 naman ang mga empleyado ng Kamara.


Binanggit ni Velasco na kasama rin dito ang nasa 2,000 bisita na nagkumpirma ng dadalo sa SONA na siyang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng bansa.

Bukod sa mga mambabatas at mga senador, kasama rin sa mga imbitadong bisita ang mga opisyal ng pamahalaan, mga miyembro ng diplomatic community at mga dating pangulo, ikalawang pangulo at iba pang dating matataas na opisyal ng bansa.

Binanggit ni Velasco na 1,814 lang na mga upuan ang available sa loob ng plenary hall ng Kamara kaya ilang kwarto ang gagamitin sa loob ng Batasan bilang viewing rooms para sa mahigit 300 guests.

Facebook Comments