20 minutong biyahe mula sa Clark International Airport hanggang New Clark City, posible sa itinatayong toll-free highway sa Pampanga – PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na tiyaking matatapos ang Airport to New Clark City Access Road (ANAR) sa Pampanga.

Ang 19.81-kilometer six-lane na access road ang magkokonekta sa New Clark City (NCC) at sa Clark International Airport (CIA).

Ayon sa pangulo, oras na makumpleto ang proyekto ay magiging 20 minuto ang biyahe mula sa Clark International Airport hanggang New Clark City mula sa orihinal na isang oras.


Malaking tulong din aniya ito para sa mga commuter dahil toll free o libre ang pagdaad sa ANAR.

Nabatid na hanggang nitong Pebrero 14 ay nasa 95.21% nang tapos ang proyekto at inaasahang makukumpleto sa Hunyo.

Ang ANAR ay bahagi ng One Clark Development Approach ng BCDA at Build Better More program ng pamahalaan, na layong isulong ang economic at social transformation sa bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng “alternative growth areas” sa labas ng Metro Manila.

Facebook Comments