
Nabawi ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang 15 sasakyan at limang motorsiklo na ninakaw mula sa kanilang pinaigting na operasyon mula Aug. 11-17, 2025.
Ayon kay PNP-HPG Acting Director PBGen. William Segun, bahagi ito ng mas matinding kampanya laban sa mga krimeng kinasasangkutan ng mga sasakyan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa datos ng HPG, 12 katao ang naaresto, habang 166 sasakyan at 852 motorsiklo ang na-impound dahil sa iba’t ibang paglabag.
Nakumpiska rin ang 901 illegal blinkers at lights, 34 sirena, at 20 modified mufflers.
Bukod dito, nadiskubre rin ang 75 pag-abuso sa paggamit ng HPG logo at stickers, habang 11,508 violation tickets ang naipataw sa loob lamang ng isang linggo.
Facebook Comments









