20% ng Development Fund ng LGU Cauayan, Inilaan na sa Pagsasaayos ng Coliseum at mga Daan

*Cauayan City, Isabela- *Pasado na sa ikalawang pagbasa ang re-allignment sa pondo ng Lungsod ng Cauayan na (P20,000,000.00) mula sa 20 percent Development Fund na sana ay para sa mga road construction sa mga lugar na apektado partikular sa Poblacion Region.

Sa isinagawang regular session ng Sangguniang Panlungsod, inihain ni City Councilor Edgar De Luna ang nasabing usapin upang mapaglaanan ang ilang proyekto maliban sa pagsasaayos ng mga daan.

Inaprubahan ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang pagtapyas sa pondo para ilaan sa mga proyekto gaya ng limang milyong piso (P5,000,000.00) sa muling pagsasaayos ng hardwood flooring ng F.L Dy Coliseum kumpara sa (P571,500,00) na road maintenance sa Reyes Subd. habang tatlong daang libong piso ang inilaang pondo sa pagsasayos ng drainage canal ng Basilio St sa Brgy. District 1.


Naglaan din ng dalawang milyong pisong pondo (P2,000,000.00) sa pagsasaayos din ng drainage canal sa Cortes St. at Golden Shower St. habang may pinakamalaking pondo naman ang inilaan sa kontruksyon ng daan sa Lindayin St. ng Brgy. Disrtict 3 na may kabuuang (P8,833,500.00).

Umalma naman ang ilang residente sa naging desisyon ng konseho sa paglaan ng pondo na sana ay prayoridad ang ilan pang lugar sa lungsod sa pagsasaayos ng mga kalsada lalo na’t nararanasan ang patuloy na pag uulan na sanhi ng baha.

Facebook Comments