20% ng official positions sa Kamara, hiniling ng Partylist Coalition

Hiniling ng Partylist Coalition na makakuha ng 20% na upuan bilang opisyal ng Kamara.

 

Paliwanag ni Romero, dapat ay makakuha din sila sa Partylist Coalition ng 20% bilang lider sa Kamara tulad sa mga congressional representatives.

 

Kabilang rito, ang commitee chairmanship, dalawang upuan sa makapangyarihang Commission on Appointments at maging kinatawan ng House of Representatives Electoral Tribunal.


 

Samantala, insulto naman para kay Romero ang isyu ng vote buying sa speakership at nagbantang isisiwalat ang sinumang kandidato na magtatangkang mamili ng boto.

 

Nanindigan din ang 54 ang kasapi ng partylist coalition na bloc voting ang kanilang gagawin sa pagpili ng susunod na House Speaker.

Facebook Comments