Tiniyak ng World Health Organization (WHO) na makakatanggap ang Pilipinas ng bakuna sa ilalim ng COVAX Facility para mabakunahan ang 20% ng populasyon nito sa susunod na taon.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) matapos makapulong ang mga opisyal ng COVID-19 Vaccine Global Access Facility organizers nitong Biyernes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi darating ang mga bakuna ng isang bagsakan o agad-agad.
Nasa 20 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang darating.
Pero punto ni Vergeire, ang mga priority sectors gaya ng health workers ang unang mabibigyan ng bakuna.
Ang COVAX Supplies ay darating sa ikalawa o ikatlong kwarter ng susunod na taon.
Facebook Comments