20 OFW’s, Inaasahang Uuwi sa Lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na sa mga susunod na araw ang pagdating ng ilang mga uuwing Overseas Filipino Workers (OFW) sa Lungsod ng Cauayan na natapos nang mag-quarantine sa Metro Manila.

Sa nakalap na impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nasa 20 na OFW’s ang inaasahang uuwi sa Lungsod at dadalhin muna sa Echague District Hospital ang mga ito bilang bahagi ng protocol para sa gagawing pagsusuri upang matiyak na sila ay COVID-19 free.

Pagkatapos nilang masuri at wala namang sintomas ng COVID-19 ay idederetso nang ihahatid ng susundong LGU sa kani-kanilang tahanan.


Kasunod na rin ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na muling sasailalim sa quarantine ang mga uuwing OFW sa probinsya na natapos nang sumailalim sa mahigpit na mandatory quarantine sa Metro Manila at nag-negatibo sa sakit na COVID-19.

Facebook Comments