20 pamilya, apektado ng nangyaring sunog sa Maynila

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang tatlong palapag na residential/commercial area sa Maynila.

Partikular sa Elcano Street malapit sa kanto ng Padre Rada St., sa Tondo kung saan nagsimula ang sunog ng alas-4:08 ng madaling araw.

Inabot ng ikatlong alarma ang sunog at idineklarang fire out bandang alas-6:38 ng umaga habang hindi naman nadamay pa ang katabing mga gusali nito.


Tanging ikalawa at ikatlong palapag ang natupok ng apoy at bahagyang nadamay ang unang palapag ng apat na pintong residential/commercial building.

Tinatayang nasa higit P300,000 na halaga ng ari-arian ang nasunog kung saan isang bumbero at isang residente ang nagkaroon ng minor injuries dahil sa insidente.

Facebook Comments