20 pamilya, apektado ng sunog sa Caloocan City

Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa isang sunog na sumiklab sa isang apat na palapag na residential building sa 9th avenue, Caloocan City kaninang umaga

Ayon kay Caloocan Fire Chief Superintendent Stephen Requina, nagsimula ang sunog sa kuwarto na tinutuluyan ng isang Ferdinand Molina.

Dahil yari sa light materials ang malaking bahagi ng gusali, mabilis na kumalat sa mga katabing tirahan ang sunog na umabot sa third alarm at naapula bandang alas otso singkuwenta y singko.


Nagtamo naman ng bali sa kanang paa ang isang tanod ng Barangay 59 nang matapilok ito matapos madulas sa hagdan habang tumutulong sa pag apula ng apoy.

Inaalam pa ang sanhi ng pagsiklab ng apoy na tumupok sa tinatayang 1.2 milyong pisong halaga ng ari-arian.

Facebook Comments