
20 pang distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Jeddah, Saudi Arabia ang nakauwi sa bansa.
Ang naturang OFWs ay kabilang pa rin sa Pinoy workers na matagal nang naghintay ng repatriation sa shelter ng Philippine Consulate.
Ang mga nakauwing OFWs ay nakaranas ng iba’t ibang problema sa kanilang employers sa Jeddah.
Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang patuloy na pagbibigay ng agarang tulong at reintegration support para matiyak ang ligtas at maayos na pagbabalik ng mga umuwing OFWs sa kanilang mga pamilya.
Muli namang hinihimok ng OWWA ang Pinoy workers sa abroad na nangangailangan ng assistance na dumulog lamang sa kanila.
Facebook Comments










