Sarado at limitado sa mga motorista ang nasa 20 na mga kalsada sa ilang rehiyon sa Luzon at Visayas dahil sa Bagyong Kristine.
Sa inilabas na abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga kalsada sa Eastern Visayas at Bicol Region ay nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa, pagbagsak ng mga bato, at pag-collapse ng mismong daanan.
Kabilang sa mga apektadong kalye ay sa Legazpi, Tabaco, Tiwi, Camarines Sur, Albay, at Camarines Norte na may mga pagbaha.
Kabilang sa mga saradong kalye sa Region 8 ang Catarman, Calbayog Road sa Poblacion Lope de Vega, Northern Samar na lubog sa baha, gayundin sa Brgy. Chitongco at Brgy. Bugko, Mondragon, Northern Samar.
Naka-monitor at nakabantay naman ang mga tauhan ng DPWH sa mga apektadong lugar kung saan naaantala ang ikinakasang clearing operations bunsod ng malakas na ulan.