Umakyat na sa 20 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol Region.
Sa datos ng Office of Civil Defense Region 5, nasa 13 ang biktima mula sa Albay, anim sa Catanduanes, at isa sa Camarines Sur.
Nasa limang indibidwal naman ang nawawala, kung saan tatlo ay mula sa Albay, isa sa Catanduanes at isa sa San Miguel.
Aabot naman sa 394 ang sugatan dahil sa bagyo.
Nasa 29,106 families o 111,846 indibidwal ang na-displace kung saan nasa 85,576 ang nananatili sa evacuation centers.
Nag-iwan ng pinsala ang bagyo sa 127,691 na bahay.
Tinatayang nasa ₱3.6 billion ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura habang ₱4.6 billion sa sektor ng imprastraktura.
Ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi sa Bicol Region ay nasa higit ₱31.6 million