20, patay sa pamamaril ng sundalo sa isang mall sa Thailand

Patay ang 20 indibidwal sa nangyaring pamamaril sa Terminal 21 Mall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Bukod sa nasawi, 42 iba pa ang naitalang sugatan kung saan siyam rito ang kinailangang operahan.

Umabot ng halos 17 oras ang gulo bago napatay ng mga pulis ang gunman na isang sundalo.


Kinilala itong si Sergeant-Major Jakrapanth Thomma.

Gamit ni Thomma sa pamamaril ang machine gun na ninakaw nito sa military arsenal.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ilan pa ang nananatiling trap sa mall.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang dahilan ng suspek sa pamamaril.

Facebook Comments