20 PERCENT | Mga magbabayad ng maaga ng kanilang buwis sa ilalim ng Tax Amnesty, maaaring makakuha ng tax discount

Manila, Philippines – Mas lalo pang mapapagaan ang tax liabilities ng mga small and medium enterprises sa ilalim ng naipasang Tax Amnesty Law.

Ayon kay 1PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, maaari pang makakuha ng dagdag na 20% tax discount kung makakapagbayad ang mga negosyante ng mas maaga sa mga hindi nabayarang buwis.

Sakop ng tax amnesty ang mga hindi pa nababayarang buwis hanggang December 31, 2017 kasama na dito ang real estate, capital gains, vat, excise tax, at lahat ng national taxes.


Bukod sa mga negosyante, kasama sa mga makakaavail ng tax amnesty ang lahat ng mga korporasyon at indibidwal na hindi pa nakakapagbayad ng kanilang mga buwis.

Layunin ng Tax Amnesty Law na makakolekta ng kita ang gobyerno at mabigyan ng immunity sa anumang kaso ang sinuman na boluntaryong kukuha ng tax amnesty plan.

Facebook Comments