20 PESOS NA BIGAS, IAALOK SA VULNERABLE SECTOR SA DISTRITO SAIS

Iaalok sa mga vulnerable sector sa distrito sais ang nasa bente pesos na bigas sa ilalim ng KADIWA ng Pangulo.

 

Nasa 6,495 kilo ng bigas ang nakahanda at nakaabang na mabibili ng mga Senior Citizens, 4Ps Members, Solo Parents, at PWDs.

 

Hanggang sa 10 kilong bigas lamang ang maaaring bilhin kada mamimili.

 

Maaaring makabili nito ngayong araw, August 6, 2025 mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

 

Maaaring makapamili nito basta magpakita ng valid identification para sa beripikasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments