[image: IFM 919 Logo (1).jpg]
Operational na ngayon dito sa lungsod ng Heneral Santos ang dalawampung Pinoy made electric jeepney matapos maigawad sa Lagao Drivers Operators Transprot Cooperative o LADOTRANSCO na pinakaunang naaprobahan na loan para maka-finance sa pagpapa-upgrade sa e-jeepney.
Ang mga electric jeepneys ay di katulad sa nakasanayan na mga public utility jeepney na madaling paandarin na di kailangan ng gasoline at rechargeable batteries ang kailangan para itoy mapaandar.
May 96 volts ito na kayang mapaandar hanggang 50 kilometers at automatic ang pagmaneho sa e-jeep na may labin-limang pasahero ang makakaupo ng maluwag at kumportable.
Maliban pa rito ay may cctv camera sa loob ng e-jeep at target ng kooperatiba ang 185 na mga e-jeep para sa kanilang tatlong ruta sa lungsod.