20 Pinoy sa Israel, nabawi na mula sa kamay ng Hamas militant group

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na 20 mga Pilipino na ang na-rescue mula sa kamay ng Hamas militant group sa Israel.

Ayon kay DFA Spokesperson Teresita Daza, ang 20 mga Pinoy ay nasa ligtas nang lugar at ang iba ay nasa hotels.

Sa ngayon aniya, mayroon pang anim na hindi nare-rescue kabilang na ang isang Pinoy na namukhaan ng kanyang misis sa Pilipinas mula sa video na kuha sa mga bihag na hawak ng Hamas.


Kinumpirma rin ni Daza na isa sa mga naligtas na Pinoy ay dinala sa pagamutan matapos na magtamo ng mga sugat sa rescue operation.

Habang ang isa ay nakalanghap ng usok kaya nilapatan muna ng lunas bago inilipat sa hotel.

Tiniyak naman ng DFA na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Israeli military authorities para sa seguridad ng mga bihag pang Pilipino.

Facebook Comments