20 Pinoy seafarers na nakaligtas sa pagsabog ng LPG Tanker MV Eco Wizard sa Finland, nakauwi na ng Pilipinas

Nakauwi na sa bansa ang 20 Filipino seafarers na tripulante ng LPG Tanker MV Eco Wizard na sumabog habang nasa Gulf of Finland.

Nito lamang July 6 nangyari ang nasabing pagsabog kung saan nailikas agad ang 23 crew members, kabilang na ang 20 Filipino seafarers.

Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong pinansyal sa mga naapektuhang Pinoy seafarers para magamit sa kanilang pagsisimula.

Facebook Comments