Hindi na sisirain ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakukumpiska nitong puslit na luxury vehicles.
Imbis na sirain ay inatasan ito ng Department of Finance (DOF) na isubasta na lamang bilang karagdagang kita sa gobyerno.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Edward James Dy Buco, nakapagsubasta na sila ng aabot sa tatlong luxury vehicles habang nakatakda namang isubasta ang 20 iba pa.
Tintayang aabot ang halaga nito sa 100 million pesos.
Dahil dito, hinihikayat ng BOC ang publiko na makilahok sa naturang auction.
Magsasagawa naman ng background check ang Customs sa mga bidders upang masiguro na hindi sila konektado sa mga smuggler at matiyak na nagbabayad ang mga ito ng tax.
Sinisilip na rin ng ahensya ang pagsusubasta sa iba pang smuggled goods tulad ng makinarya at bigas.