“20 students per class,” sinisilip ng DepEd

Pinag-aaralan na ng Department of Education (DEPED) ang magkaroon ng hindi hihigit sa 20 estudyante bawat klase para mapanatili ang social distancing measures na itinakda ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Nabatid na itinakda na sa August 24 ang pagbubukas ng klase sa pribado at pampublikong paaralan para sa School Year 2020-2021.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones – ang set-up ng klase ay nakadepende sa kasalukuyang health situations ng lokalidad, kapasidad ng mga eskwelahan, at kahandaan ng mga mag-aaral at magulang para sa pagpapatupad ng alternative modes ng pagtuturo.


Binigyang diin muli ni Briones na hindi kailangang face-to-face ang learning set-up sa classroom.

Maaari namang gawin ng mga eskwelahan ang pagsasagawa ng physical classes basta nasusunod ang minimum health standards at requirements ng proper authorities.

Facebook Comments