20 empleyado ng Hudikatura ang namatay sa COVID-19.
Ito ay mula sa kabuuang 1,113 na kaso sa hanay ng Judiciary.
Tiniyak naman ng Korte Suprema na ang pamilya ng mga kawani ng Hudikatura na namatay sa COVID ay makakatanggap ng ₱50k financial assistance.
Ang mga na-confine naman sa nasabing sakit ay makakatanggap ng ₱15 hanggang ₱30k.
Ang mga potential recipient ng ayuda ay kinakailangang magsumite ng positive result ng RT-PCR test, medical certificate, death certificate na nakalagay na COVID-19 o kumplikasyon ng virus ang ikinamatay; gayundin ang disbursement voucher at obligation request.
Sa ngayon, ang Hudikatura ay may 30,000 na miyembro kasama na ang mga mahistrado, hukom, mga opisyal at empleyado.
Facebook Comments